Monday, 25 July 2011

|Narration| Site Visit: Lemery, Batangas

We had a site visit yesterday, Sunday!
Sobrang labag sa loob ko ang site visit na ito kasi short weekend ang nangyari. Hindi man lang ako tumagal ng 24 oras sa Pampanga.
Ok sana kung weekday ito ginawa.

830am nang umalis kami sa office. We headed to Lemery, Batangas.
I had a twitter conversation with @mangiegigil:

"Off to Batangas. And my driver is my CEO. Hahaha. @mangiegigil ano ang meron sa Lemery??"

" Lemery? Beach...na ang buhangin ay mas maitim pa sa siko mo. haha"


So sino naman ang matutuwa diba? Bilang naputol na ang weekend ko at ganto pa ang tweet exchange!

Stopped at Bags of Beans sa Tagaytay.

Akala ko yun na ang site kasi nakatulog ako sa biyahe.


Ako, ang CEO at ang Head Arch. ay natuwa sa mga bolang ito. hahaha
Ibato raw namin sa mga maiingay.

Then we had our coffee. I mixed the Tsokolate-eh with the brewed coffee to have my mocha.

After 30 mins., the long-awaited client came! Starstruck!
Mabait naman pala siya. :D

Kumain muna daw kami kasi gutom na gutom na siya.
At gutom na gutom na rin ako.

At around 2pm we continued our journey to Lemery. Nasa Tagaytay pala yung Bags of Beans and we had to travel for another hour. T_T

I saw the Fantasy Island that was never completed. Ginamit lang ata ito para ishoot ang majika. Tapos wala na. Ang kulit lang nung palasyo structure.


drive.drive.drive.



Papasok na sa subdivision na developed by Landco.
Mga 10mins. drive to the admin office/clubhouse.
At eto ang ang kanilang pool.
Natuwa naman ang VP in Entertainment na client namin.
Nagpapicture-picture pa sa pool. Maganda raw kasi ang view.


Then proceed sa site.
Parang gubat, no, GUBAT talaga. ang daming puno sa lote nila.

Pumasyal kami sa bahay ng writer ng isang fantaserye tungkol sa isang Pinay heroine na kasama si Iking.
Pinakita ng client ang gusto niya para sa loob ng kanyang bahay.

Then pasyal pa sa isang bahay. Supplier naman daw nila ng ob van.

Haay!

Natapos rin!
Umuulan ng malakas habang papauwi kami.
Nagising ako nung nasa SLEX kami. Umuulan pa rin ng malakas.

Drive thru sa McDo SLEX.
Kain.
Tulog.

Pag gising ko, 6pm, nasa office na kami.
At natapos rin ang LABAG SA LOOB na site visit.

No comments:

Post a Comment