I watched this film last July 26, 2011 in UP Film Center. I think I watched it with the best crowd.
During the first minutes of this indie film, I thought it was another indie film that will showcase the lives of a typical Filipino family that lives in the slums. And then I realized that I was wrong.
The story revolved on the current situation of the art of film making in our country. I would not go into the details of the plot so that I will not spill spoilers :). Generally, it was about a trio of young film makers. They were preparing and intellectually masturbating on what will be the best approach or style to use in their upcoming indie film project.
Ang Babae sa Septic Tank ay isang pelikulang matapang
dahil tinanggap nito na ang kalagayan ng pelikulang Pilipino ay narating na ang punto ng walang pag-usad. Napako na sa mga kagawiang bumenta na sa mga manonood. Maging ang mga indie ay naging tampulan na ng pagpapakita ng kahirapan ng bansa. Samakatuwid tila nawawalan na ng bagong ideya, bagong konsepto at naging kuntento na ang mga tagapaggawa ng mga pelikulang Pilipino sa kasalukuyang atake o paraan ng paggawa nito. Kakaunti na lamang ang mga sumisipat ng kakaibang anggulo sa pagbuo at pagkukwento gamit ang mga lente ng mga kamera.Makikita ang mga karaniwang ginagamit ng mga direktor sa paggawa ng kanilang obra. Maging ang mga artista ay hindi nakaligtas sa mapanuring kaisipan ng mga bumuo ng Ang Babae sa Septic Tank. Naipakita ito sa pagbibigay bansag sa mga pag-arte ng mga artista ngayon. Nariyan na ang “elevator” acting; and TV Patrol acting; at ang “no-acting acting.” Maraming natawa ng gawin ito ng itinanghal na pinkamagaling na aktres ng Cinemalaya 2011, walang iba kung hindi si Eugene Domingo. Marami ang humalakhak marahil nakikita ito ng mga nanood sa mga pelikula o palabas sa telebisyon na regular nilang napapanood.
Nagustuhan ko ang mensaheng nais ipaabot ng mga taong lumikha ng pelikulang ito. Sila ay naghahamon hindi lamang sa kanilang mga kasama sa industriya kundi pati sa kanilang mga sarili. Ang hamon ay mag-isip ng bagong ideya sa paggawa ng mga bagong pelikulang Pilipino.
Loud applause was given by the UP Community to the people behind this film. There was an open forum right after the film viewing. Questions were answered by Eugene, JM, Kean, Mercedez, Cai and Chris.